Tuesday, September 17, 2013

Sikreto sa Pagyaman


    Akala mo ba yumaman ang Mc do dahil sa pag-gawa ng mga hamburger? Eh ang Joe Lee bee, Burgler King, Windy's at iba pang mga hamburgeran? :) Eh iyong SM?

  Do you think Mc Do.. got rich from making burgers?   How about Joe Lee Bee, Burglar King and Windy's and the other burger houses? :)  How about the Shoe Mart and all the other department stores?

        Siyempre kumita sila sa mga paninda nilang mga produkto nila pero kung oobserbahan nating maige, hindi lamang ang kanilang mga produkto ang nagpayaman sa kanila.

        Of course their products brought them income but if you will observe closely, it is not just the products that brought them fortune.


     Ayon sa article ng Forbes (mapagkakatiwalaan pagdating sa pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa business at finance) na pinamagatang "How the World`s Billionaires Got Rich" na isinulat ni Erin Carlyle, ang nasa ibaba ay ang listahan ng mga industriyang may gawa ng mga bilyonario sa buong mundo. 

 According to an article by Forbes (the world`s leading source of information regarding business and finance) entitled "How the World`s Billionaires Got Rich" written by  Erin Carlyle, the list below are the industries that produced Forbes Billionaires worldwide. 

Mga Industriyang Gumawa ng Bilyonario ng Forbes sa Buong Mundo 

1. Investment o Pamumuhunan 148
2. Fashion at Pagtitingi 146
3. Real Estate (mga lupain, condominium. bahay, atbp.) 129
4. Sari-sari: 125
5. Pagkain at Inumin: 100
6. Teknolohiya: 95
7. Paggawa 89

8. enerhiya 83
9. Pinansya 78
10.Media 69

Industries that produce Forbes Billionaires Worldwide
1. Investments: 148
2. Fashion and Retail: 146
3. Real Estate: 129
4. Diversified: 125
5. Food and Beverage: 100
6. Technology: 95
7. Manufacturing 89
8. Energy 83
9. Finance 78
10.Media 69


    

  Kung iyong mapapansin, nasa pinaka-una ang INVESTMENT o PAMUMUHUNAN. Ang investment o pamumuhunan ay maaaring gawin sa iba`t ibang paraan. Hindi natin namamalayan ngunit atin itong ginagawa sa ating araw-araw na pamumuhay.

       Ang mga bagay na maaari nating ipuhunan o iinvest ay ang mga bagay kagaya ng ating oras, enerhiya, pag-aaring mga bagay, at iba pa. Sa larangan ng negosyo, madalas ay salapi ang iniinvest ng mga negosyante at sila ay umaasa na ito ay babalik pa sa kanila ng doble o mas marami pa habang kanilang pinalilipas ang panahon. 

    Mabalik naman tayo sa pinaguusapan natin kanina sa itaas. Ang mga fastfood chain, department stores na nabanggit sa itaas ay kumita  mula sa kanilang pagbebenta ng kanilang mga produkto ngunit higit pa rito ay, importante ring makita na sila ay NAMUHUNAN unang-una sa lahat sa REAL ESTATE. 

   Ang REAL ESTATE ay ang pagmamay-ari ng lupain, bahay at iba pa. Sa kaso ng mga nabanggit sa itaas, sila ay makikitang NAMUHUNAN SA MGA ARI-ARIAN at GINAWA NILA ITONG MGA "INCOME PRODUCING ASSETS" O " MGA ARI-ARIANG KUMIKITA!"

    Kapag sinabing "ARI-ARIANG KUMIKITA", ito ay ari-arian na kumikita sa sarili niyang kakayahan. Dahil dito, nadodoble ang kakayahan ng may-ari ng ari-ariang nito kumita pa at masparamihin ang halaga ng kaniyang mga ari-arian. 
  
    Nitong mga nakaraang panahon, hindi masyadong maganda ang lagay ng ekonomiya kung kaya hindi gaanong NAGIINVEST ang mga negosyante. Ang mga tao ay nagtitipid at takot na masyadong mapagastos dahil sa pag-aalinlangan na baka mawalan ng trabaho at mawalan ng kita. Dahil takot ang mga taong gumastos, ang mga presyo ng bilihin ay binababaan upang ito ay maibenta. Dagdag pa rito, gumagawa ng paraan ang mga supplier na maging masmadaling mabili ang kanilang mga produkto. 

    Warren Buffet (ang kinikilalang pinakamatagumpay na investor ng ika 20 siglo)"Be greedy when others are scared." Ang sinasabi nito ay mas maging agresibo sa oras na takot ang lahat. Ito ay ang kaniyang advice pagdating sa pagiinvest o pamumuhunan. Ito ay dahil takot ang lahat maglabas ng pera at dahil dito, nagmumura ang mga bilihin dahil minumurahan ito ng mga supplier upang sila ay makabenta. Sa oras na ito, mainam na mamuhunan kaagad bago magbilihan ang iba pang mga tao, may posibilidad na magtaas ang presyo nitong muli. 

Ayon kay

    Dahil dito, isang kababayan natin sa Japan ang naginvest sa Mega World upang makatulong sa mga kapwa niya Pilipino dito sa Japan. Nakipag-tulungan siya sa MEGA WORLD na kinilala sa Inquirer Newspaper bilang Numero 1 Developer ng mga Condominium sa Pilipinas. Siya ay nagbukas ng opisina dito sa Nagoya City upang matulungan ang mga kababayan nating Pilipino sa mga transaksyon na mayroong kinalaman sa pagbili ng mga condominium sa Pilipinas. Ang mga bumibili ng condominum ay madalas mga taong gustong mag-impok at mamuhunan sapagkat alam nila na bilog ang mundo at mainam na ang handa palagi. Ang mga condominium na inoofer sa opisinang nabanggit ay ibinebenta pa rin sa LUMANG HALAGA nito kahit na nagtaas na ang presyo nito. 

   Ibig sabihin, MAAARI PA RIN ITONG MABILI SA MURANG HALAGA BAGO ITO NAGTAAS. KUNG BIBILHIN ITO SA IBA AY IBA NA AT NAGTAAS NA ANG PRESYO NITO. 

   Mataas ang kaledad ng mga condominium na ito.  Halimbawa nalamang po ang ONe East Wood Avenue na nasa napakagandang lokasyon sa East Wood Ortigas. 

  Bago pa masyadong humaba ang artikulong ito, hayaan ninyong ishare ko sa inyo ang ilang 

Mga Rason Kung Bakit Magandang Investment ang mga Condominiums


  • Dahil pagmamay-ari mo ito, dito IKAW ANG BOSS. MALAYA KA. 

  • TUMATAAS ANG HALAGA nito sa paglipas ng panahon. Tumataas rin ang halaga ng iyong iniimpok sa banko ngunit subukan mong kalkulahin at ikumpara kung magkano ang interes sa banko kesa sa interes ng ari-ariang binili mo. 

  • Ito ay LONG TERM INVESTMENT at maaari mo pang maipamana sa mga susunod na henerasyon ng iyong lahi. 

  • MAAARI ITONG KUMITA kung iyo itong gagawing negosyo. Maaari mo itong paupahan, gawing boarding house, opisina, atbp. 

  • MAGANDA ANG LOKASYON NITO at dahil dito, marami ang magnanais na mangupahan nito o at hindi ka mahihirapang ibenta ito pagdating ng araw sa mas mataas na halaga. Makakatipid ka pa sa pamasahe. Marami rin ang mga opisina sa paligid kung kaya kung dito ka naninirahan ay hindi ka na mahihirapang lumayo upang maghanap ng trabaho o upang lakarin ang iyong mga kailangang lakarin dahil nandito na ang lahat. 

  • Mayroong mga benepisyo ito sa katapusan ng taon kapag ikaw ay magfifile ng iyong final return ng tax dahil property ito na iyong binili. 

  • Maaari mo itong gamiting collateral kapag manghihiram ka sa banko. 

  • Maganda itong CREDIT HISTORY na magagamit mo upang makuha ang tiwala ng banko kapag ikaw ay kinakailangang manghiram sa susunod. 

  • Dahil mayroong itong maintenance, hindi mo na problema ang kaligtasan dahil ito ay binabantayan ng mga guwardiya at tipid ka rin sa ilang mga bagay dahil maayos ang maintenance kung kaya wala kang problema sa pagpasok ng ulan sa iyong kuwarto dahil butas ang bubong atbp. 
Marami pa ang mga rason kung bakit magandang investment ito ngunit sa ngayon ay hanggang dito na lang po muna at sana ay may napulot kayo sa mahabang artikulong ito. 

Kung interesado po pala sila sa ONE EAST WOOD AVENUE na inaalok ng nabanggit kanina ay magiwan lang ho ng mensahe sa ibaba sa comment box. 

Maraming Salamat po!


project7nagoya@gmail.com





No comments:

Post a Comment